Filipinos in Kuwait Information Kuwait Info News OFW 

60 Days Grace Period for Iqama Violators – June 1 – Aug 1, 2015

Kabayan, narito ang mahalagang balita para sa mga resident permit violators; may pag asa nang maayos ang legal status.
Kabayan, narito ang mahalagang balita para sa mga resident permit violators; may pag asa nang maayos ang legal status.

Ayon sa Director of Manpower Public Authority, Abdullah Al-Motoutah, simula June 1 hanggang August 1, 2015 mabibigyan ng pagkakataon ang mga expat resident violators dito sa Kuwait, gawing legal ang kanilang status. Lalo na yung naka register sa mga suspended companies. Humigit kumulang nasa 33,000 ang resident violators sa Kuwait.

Ang mabuting pagkakataon na ito para sa mga expats ay gagawin sa pag gunita ng nalalapit na Ramadan. Sa 60 days grace period na ito, ang resident violator ay maaring mag request transfer ng kanilang work permits sa ibang sponsors or cancel nila ng tuluyan.

Dalawang bagay ang makabubuti para sa expats makataong dahilan (humanitarian) at upang mabigyan din ng pagkakataon makapamili ng qualified employees ang mga companies na walang legal problem. Madami na rin ang mga prospective employees narito na sa Kuwait na may sapat na kakayahan sa trabaho. Hindi na rin kailangan mag recruit pa mula sa ibang bansa at maghintay ng matagal ang mga employers.

Related posts

Leave a Reply

%d bloggers like this: